SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
INILATAG ngayon pa lang ng project director na si JM Gutierez ang mga plano niya sa bagong Filipino vocal group, Blue Dreamers PH
Ang grupo ay kinabibilangan nina Shayne Monreal, Zhian Mendaza, Jairex Tan, Xanxan Tan, atJarred Salvador.
Kasabay ng pagpapakilala sa Blue Dreamers PH ang paglulunsad ng kanilang album na Lowkey Tayo.
Bukod sa pagkanta gagawa rin ng pelikula ang grupo gayundin ng variety shows, ayon sa kanilang manager na si JM.
Kakaba ang vocal group na Blue Dreamers Ph dahil ayon sa kanilang project director na si JM, nagsama-sama at nabuo ang grupo dahil sa common denominator—lahat sila ay may sad experiences.
Hindi rin naging madali ang pagpasok ng lima sa grupo. Dumaan sila sa mahigpit na audition.
Nagkaroon ng ilang buwang nationwide search na umabot sa 80 aspirants. Pagkaraan ay pumili ng 20 hanggang sa na naging final 8, at kalaunan, ang Top 5 ang napili.
Ang kanilang mga personal na kwento ng sakripisyo at pakikibaka ay naging basehan ng kanilang mga pangarap, na nagpapasigla sa kanilang walang humpay na paghahangad na makamit ang kanilang mga layunin.
Pagkatapos ng isang taon ng acting workshops, isang serye ng mga training session, at voice lessons mula sa iba’t ibang coach, ang grupo sa wakas ay naglabas ng tatlong orihinal na kanta.
Bukod sa Lowkey Tayo, mayroon din silang dance track na Dance Tayo at ang love song na 912 Hours Journey, ang theme song ng soon-to-be-released movie na may parehong pamagat. Lahat ng kanta ay composed ng manager nila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com