Thursday , June 4 2026
Curlee Discaya

Balikat naoperahan na
Curlee discaya balik-hoyo sa Senado

IBINALIK na sa kulungan sa senado ang kontratistang si Curlee Discaya pagkatapos isailalim sa operasyon ang kanyang balikat.

Mismong si Senate Secretary Mark Llandro Mendoza ang nagkompirma ng pagbabalik ni Discaya sa kulungan sa senado kasunod ang pagpapalabas ng larawan at video.

Tiniyak ni Mendoza na maayos ang kalagayan ni Discaya at pinayagan na siya ng kanyang mga doktor na ipagpatuloy ang pagpapagaling sa senado.

Magugunitang isang linggo na ang nakalilipas nang payagan ng senado na magtungo sa pagamutan si Discaya para sumailalim sa isang operasyon sa kanyang balikat.

Si Discaya ay mula noong Setyempre 2025 pa nakakulong sa senado matapos i-contempt ng Senate blue ribbon committee nang hindi nakontento ang mga miyembro ng komite sa kanyang mga sagot sa isinagawang pagdinig ng Blue Ribbon committee ukol sa maanomalyang flood control projects.

Mismong ang mga doktor ng senado ang nagbigay ng clearance kay Discaya para maoperahan nang irekomenda ng kanyang doktor. 

Hindi tiyak kung hanggang kailan mananatili sa kulungan sa senado si Discaya lalo na’t inihayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, Chairman ng komite, na wala pang katiyakan kung kailan muli magsasagawa ng pagdinig ang komite ukol sa isyu. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …