Thursday , June 4 2026
PDEA

Bigtime pusher ng Pampanga nakorner
P6.8-M shabu nasamsam sa Parañaque

ISANG lalaking pinaniniwalaang bigtime na tulak ng droga sa Pampanga ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Don Bosco, lungsod ng Parañaque, dakong 7:00 ng gabi nitong Sabado, 9 Mayo.

Kinilala ang suspek na si alyas Anton, 44 anyos, tubong-Pampanga, at sinasabing sangkot sa malawakang pagpapakalat ng droga sa Metro Manila, Pampanga at karatig-lalawigan.

Matapos maaresto ang suspek, nakumpiska mula sa kaniya ang dalawang piraso ng resealable transparent plastic bags na naglalaman ng humigit-kumulang 1,000 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalagang P6,800,000.

Narekober din mula sa pag-iingat ni alyas Anton ang isang cellphonr, isang digital weighing scale, at ang marked money na ginamit ng undercover agent.

Sa naging pahayag ng pinuno ng PDEA, “Si Anton ay tubong Pampanga at dating nakakulong dahil sa mga kaso ng droga. Inabot ng tatlong linggo ang aming mga operatiba bago siya napagkasunduan ng isang transaksyon sa droga.”

Pansamantalang ikukulong ang suspek sa pasilidad ng PDEA-3, habang ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay sasailalim sa qualitative at quantitative analysis sa kanilang laboratoryo .

Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng PDEA RO3; Special Enforcement Team, PDEA NCR-Southern District Office, at PNP Drug Enforcement Group.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) ng RA 9165 para sa pagsasampa sa korte laban sa suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …