Thursday , June 4 2026
PNP CIDG

Sa Pampanga
Ilegal na pagawaan ng toyo sinalakay ng CIDG-3

SINALAKAY ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-3) sa pamamagitan ng isinilbing search warrant ang isang ilegal pagawaan ng toyo sa Brgy. Sta. Lucia, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Marlon Cudal kay CIDG-3 Regional Chief P/Col. Grant Gollod, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Aldo, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, lumabag sa Section 10a (ilegal na operasyon) ng RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

Nakumpiska mula sa pabrika ang mga processing equipment, storage tanks, filter at carboy, machines, steam boilers, 25 container ng finished concentrated soya extract, at toyo na tinatayang nagkakahalaga ng P30,000,000.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa CIDG detention facility para sa iba’t ibang kaso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …