ASAHAN ang dagdag-bawas sa fuel price adjustments na ipatutupad ng oil companies sa bansa sa susunod na linggo.
Ilang oil industry sources ang nagsabing ang presyo ng diesel ay maaaring bumaba hanggang P9.00 kada litro.
Ang presyo ng gasolina naman ay maaaring tumaas ng hanggang P5.00 kada litro.
Pero maaari pa umano itong magkaroon ng pagbabago, depende sa mga development sa global oil trading at posibleng intervention o direktiba mula sa Department of Energy (DOE).
Karaniwan nang iniaanunsiyo ng mga oil companies ang pinal na oil price adjustment tuwing Lunes at ipinaiiral kinabukasan, Martes.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com