Wednesday , June 3 2026
BINI Bam Aquino

BINI kinantahan si Sen. Bam Aquino sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INAWITAN ng Filipino P-Pop sensation BINI si Senador Bam Aquino ng isang birthday song nang bumisita ang grupo sa Senado noong Miyerkoles para tanggapin ang parangal sa kanilang makasaysayang performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio, California.

Sinabayan pa ng kaunting sayaw ni Sen. Bam, na nagdiwang ng kaarawan noong Huwebes. ang pagkanta ng Nation’s Girl Group.

Pagkatapos, nagtungo ang grupo sa plenary session, na tinanggap nila ang parchment copy ng Senate Resolution No. 370 ni Sen. Bam, na pormal na pinagtibay ng Senado bilang pagkilala sa kanilang tagumpay.

Sa kanyang resolusyon, pinuri ni Sen. Bam ang BINI sa pagdadala ng karangalan sa bansa at sa pagpapakita ng galing at sining ng Flipino sa pandaigdigang entablado sa kanilang mga pagtatanghal noong Abril 10 at 17, 2026 sa Coachella, na isa sa pinaka-prestihiyosong music festivals sa mundo.

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang Filipino act ang nagtanghal sa isa sa pinakamalaking music festivals sa buong mundo. Masasabi natin na ang tagumpay na ito ay isang Salamin ng galing at talento ng Filipino sa pandaigdigang entablado,” wika ni Sen. Bam sa kanyang sponsorship speech.

Ang tagumpay ng BINI ay isang panalong dapat ipagdiwang sa gitna ng mga hamon at krisis na kinakaharap ng ating bansa. Sa kanilang pagtatanghal sa Coachella, ipinamalas nila ang ating Filipino Pride sa pamamagitan ng pagsasama ng mga tradisyonal na elemento sa kanilang mga kasuotan, musika, at koreograpiya,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Sen. Bam na ang tagumpay ng BINI sa internasyonal na entablado ay magsisilbing inspirasyon sa maraming kabataang Filipino upang abutin ang kanilang mga pangarap.

Ang kanilang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa napakaraming kabataang Filipino na mangarap at maniwala na kaya rin nilang maabot ang world stage,” wika pa niya.

Sinabi rin ng Senador na ang paglahok ng BINI sa Coachella ay hindi lamang tagumpay para sa industriya ng musika kundi para sa buong Pilipinas.

Pinatutunayan nito ang lumalaking potensiyal ng ating creative economy at ang kakayahan nitong magbigay ng dangal at oportunidad sa ating mga kababayan sa buong mundo,” dugtong niya, kasabay ng pagsasabi na ang kanyang mga anak na sina Rory at Coco ay certified fans ng BINI, na ang fandom ay tinatawag na BLOOM.

Ipinagmamalaki ko na ang aking mga anak ay kabilang sa ‘Bloom’ community at pati shared Spotify account namin ay halos puro BINI ang kanta,” wika pa niya.

Ang BINI ay binubuo nina Maraiah Queen Arceta (Aiah), Ma. Nicolette Vergara (Colet), Mary Loi Yves Ricalde (Maloi), Gweneth Apuli (Gwen), Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja (Stacey), Mikhaela Janna Lim (Mikha), Jhoanna Christine Robles (Jhoanna), at Sheena Mae Catacutan (Sheena).

Si Sen. Bam ay isang matibay na tagasuporta ng talento ng Filipino. Sa kampanya noong 2022 at 2025 elections, itinampok niya ang mga lokal na artista upang ipagdiwang ang kanilang talento at kakayahan. Binigyan din niya ng puwang ang lakas ng musikang Filipino sa People Power 40 Kick-Off Concert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …