Thursday , June 4 2026
No Contact Apprehension Program, NCAP, Quezon City, QC, Traffic

Bus driver at konduktor, putok ang mga ulo sa magkapatid na rider

MATINDING SUGAT SA ULO ang pinsala ng isang bus driver at kanyang konduktor nang sila ay pagtulungang bugbugin ng dalawang motorcycle riders sa insidente ng road rage sa Quirino Highway, Barangay Pasong Putik, Quezon City noong Sabado ng gabi, 2 Mayo.

Ayon kay Gilbert Caducano, nagsimula ang alitan nang bumusina ang bus driver sa isang 27-anyos rider na biglang lumihis upang umiwas sa lubak.

Huminto ang bus at nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pagwasak ng side mirror at windshield.

Sa gitna ng tensiyon, bumaba ang driver na may dalang tubo para sana ipagtanggol ang sarili. Ngunit naagaw ito ng rider at ginamit sa pananakit sa driver at konduktor.

Rumambol rin at sumali sa gulo ang 23-anyos kapatid ng rider, pati ang kanilang live-in partners — na ang isa ay may karga pang bata.

Kinailangang tahiin ang mga sugat sa ulo ng driver at ng konduktor. Napag-alaman na residente sa Brgy. Damayang Lagi ang magkapatid na rider.

Nanindigan ang mga biktima na ituloy ang pagsasampa ng kaso matapos silang pagharapin sa presinto noong Martes, 5 Mayo. Mahaharap ang mga suspek sa kasong serious physical injuries.

Tiniyak ni Land Transportation Office (LTO) chief Markus Lacanilao na maglalabas ang ahensiya ng show cause order laban sa mga sangkot upang pagpaliwanagin sa nangyaring insidente. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …