Thursday , June 4 2026
Fuel Oil

‘Gas-and-Run’ sa QC, natukoy sa plaka

NATUKOY na ng Quezon City Police District (QCPD) ang numero ng plaka ng sasakyang sangkot sa isang  insidente ng ‘gas-and-run’ na naganap nitong 3 Mayo 2026 sa isang gasolinahan sa Mindanao Avenue, Barangay Bahay Toro ng nasabing lungsod.

Ayon kay QCPD Director, PGen. Brig. Glenn Randy Silvio, natukoy sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa mga CCTV footage at pakikipagtulungan sa mga kalapit na establisimiyento at barangay, partikular na sa Brgy. Bahay Toro at Brgy. Bagong Pag-asa.

Ang sasakyan ay isang grayish blue Toyota Vios (2023 model) na may plakang CBK 7953.

Lumabas sa karagdagang beripikasyon na ang sasakyan ay binili mula sa Toyota Nueva Ecija at nakarehistro sa ilalim ng Toyota Financial Services Philippines Corporation (TFSPH), at kasalukuyang naka-lease sa isang indibiduwal na kinilala sa alyas na Jherosalyn.

Kaugnay nito, nananawagan ang QCPD sa mga  sangkot na kusang makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang linawin ang insidente at maiwasan ang mas mabigat pang kahihinatnan alinsunod sa batas.

Hinihimok ni PBGen. Silvio ang may impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan o kinaroroonan ng mga taong sangkot na mag-ulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, o makipag-ugnayan sa E911 o QC Helpline 122 para sa agarang aksiyon ng pulisya. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …