Thursday , June 4 2026

Ayon kay Senator Lacson
DPWH P500-M ‘ALLOCABLES’ TINANGGAP NI MARCOLETA
Base sa sulat ni USec Cabral

050726 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

IBINUNYAG ni Senate President Pro-Tempore Panfilo “Ping” Lacson at Chairman din ng Senate Blue Ribbon Committee na tumanggap ng P500 milyong allocable project si Senador Rodante Marcoleta.

Ayon kay Lacson, mayroon silang sulat-kamay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral na ibinigay ng kanyang abogado at doon nakasulat na naglalaan ng naturang halaga para kay Marcoleta.

Paglilinaw ni Lacson bagama’t hindi naaayon ang paghingi ng allocables ngunit hindi naman ito maituturing na ilegal.

“Kahit ‘yung mga pinagbibigyan pa ng DPWH ng mga proyekto ay hindi pa rin maituturing na ilegal,” ani Lacson.

Ngunit, aniya, kailangan ang imbestigasyon kung tama ba ang implementasyon ng proyekto o sub-standard at kung hindi ito ghost project. Kapag ganito ang nangyari doon papasok ang problema na dapat nang himayin.

Tinukoy ni Lacson na noong Chairman ng Commission on Appointments (CA) ng Committee on Public Works and Highways si Marcoleta siya ang nagrekomenda para sa kompirmasyon ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Aniya, narinig niya sa ilang mga mambabatas na miyembro ng komisyon, na ang ilan sa kanila ay miyembro pa rin hanggang sa kasalukuyan, at matapos niyang ibunyag na isang mambabatas ang ‘nambukol’ agad at pinakiusapan siya na ituloy ang imbestigasyon dahil sila ang mga ‘nabukulan’.

Ngunit tumanggi na si Lacson na tukuyin kung sino ang ‘nambukol’. Aniya noong kinokompirma ang DPWH secretary ay humingi ng project at sinabi pang ‘marami sila’.

Ibinunyag ni Lacson na sa orihinal na request ay P1.5 bilyon ang project na hinihingi ngunit P500 milyon lamang ang naibigay.

Sa huli, ‘nakanganga’ na lang umano ang mga kasamahang mambabatas dahil wala namang nakarating sa kanila.

Inilinaw ni Lacson na ang ‘allocables’ ay dating pork barrel, naging leadership fund, at naging insertion na hanggang ngayon ay hindi pa nawawala. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …