Sunday , June 21 2026
Rayver Cruz Julie Anne San Jose

Rayver nilinaw ‘di pa engage kay Julie Anne

MA at PA
ni Rommel Placente

NILINAW ni Rayver Cruz, sa isang panayam nang mag-guest  sa GameZone, isa sa malaking sponsor sa Aurora Music Festival, ang ukol sa nababalitang engage na sila ng long-time girlfriend  na si Julie Anne San Jose.

Sabi ni Rayver, “Hindi pa. Wala pa. Manggagaling naman sa amin ‘yun if ever. Wala pa po talaga.”

Sinisiguro naman ni Rayver na si Julie Ann na nga ang gusto niyang maging misis at makasama habambuhay.

Samantala, may punching machine challenge sa festival na nagtala si Manny Pacquiao, ang bagong endorser ng GameZone ng score na 792.

Pero  tinalo siya ni Rayver, huh! Nang mag-punch siya, ang score niya ay 859.

Pero siyempre, for fun lang ‘yan (arcade punching machine), hindi actual boxing power comparison. 

Sey nga ni Rayver, “nakatutuwa naman na kahit sa ganitong klase ng competition ay na-beat ko ang ating napakasikat na boksingero. Flattered ako dahil na beat ko ang score niya. 

“Pero sa actual na game, wala akong kalaban-laban sa nag-iisang Manny Pacquiao. Idol natin ‘yan at ipinagmamalaki ng ating bansa. A Proud Pinoy Manny Pacquiao.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …