Nadine Lustre

Nadine hinangaan pag-post ng litrato na walang make-up

MATABIL
ni John Fontanilla

HINANGAAN ng netizens ang pagiging natural at walang kaarte-kaarte ni Nadine Lustre nang mag-post ng larawan na ‘di naka-make-up sa kanyang social media.

Sa Instagram ni Nadine ay nag-post ito ng larawan na walang make-up at basa pa ang buhok na mukhang bagong ligo.

Marami ang gandang-ganda sa no make-up look ni Nadine. Napaka-fresh daw nitong tingnan at neneng-nene ang dating.

Hindi nga ito naiwasang ikompara sa ibang aktres na ‘di makapag-post ng larawan na ‘di naka-make-up.