MA at PA
ni Rommel Placente
PINATULAN na naman ni Matet de Leon ang mga basher na walang tigil na bumabanat sa kanilang magkakapatid na sina Lotlot, Kenneth, at Kiko.
Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Matet ang screenshot ng naging comment ng isang basher. Inilantad din niya ang identity ng naturang netizen.
Kinuwestiyon ng basher ang pagrereklamo raw ni Matet hinggil sa isyu ng mana sa kanilang magkakapatid matapos sabihin ng biological son ni Nora Aunor na si Ian de Leon na siya lang ang nag-iisang legal na tagapagmana ng yumaong showbiz icon.
Sabi ng basher, “Nagwala ka nga dahil sa tuyo, anong pinagsasabi mong mana? Ingrata ka rin. Mas malaki sana ang mana ni Ian kundi kayo pinag-aampon o kampon sa laki ng ginastos sa inyo.
“Dapat thank you na lang. Baka mga call girl at call boy kayo kundi kayo in-adopt ni Nora. Kakapal nyo rin. As if inalagaan nyo sya nong nagkasakit si Nora.”
“Nasaan kayo nong bago namatay si Nora? Second kasal nga ni Lotlot di sya inimbita. Puede ba ipokrito nyo!!” ang matapang na banat ng netizen kay Matet.
At ang resbak naman sa kanya ni Matet,“Sulat mo na lang sa diary mo ‘yan. Tapos saksak mo sa pwet mo (crying laughing emoji).”
Mababasa naman sa caption ng kanyang FB post, “Umabot na po dito. Ano ba kasalanan namin sa inyo?” na sinundan pa ng sandamakmak na laughing emojis.
Sa isa pa niyang post, ibinahagi rin ni Matet ang isang post ng basher patungkol sa isang pari na nagdarasal.
Sey ni Matet sa caption na patama sa kanilang basher, “Pinapakita ko lang sa tao na hindi porke palasimba eh mabuting tao.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com