Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

₱6.8-M shabu, nakompiska sa dalawang HVI sa Pampanga

DALAWANG high-value individuals (HVI) ang naaresto habang humigit-kumulang isang kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱6.8 milyon ang nakumpiska sa isang buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay PRO3 Director PBGeneral Jess B Mendez, ang operasyon sa Sitio Bana, Brgy. Dolores ay pinangunahan ng Mabalacat CPS SDEU, kasama ang suporta ng 2nd PMFC Pampanga at PDEA RO3.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Kuya” at alyas “Panggay,” na parehong nakalista bilang mga high-value individuals (HVI).

Nakumpiska rin ng mga operatiba mula sa mga suspek ang isang kalibre .45 na baril, isang magasin, at apat na bala.

Kasunod nito ay pinuri ni PBGeneral Mendez ang mga operating unit, at binanggit na ang operasyon ay resulta ng pinaigting na kampanya laban sa droga na naaayon sa PNP Focused Agenda. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …