Thursday , June 4 2026
DPWH Dizon National Building Code

Repaso sa National Building Code iginiit ni Dizon

MAHIGPIT na ipinag-utosni Departmen-t of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagrepaso sa National Building Code ng bansa.

Sa ilalim ng Special Order No. 155 na inisyu noong 7 Abril 2026, muling binuo ni Dizon ang National Building Code Review Committee (NBCRC) upang tasahin ang umiiral na balangkas at magrekomenda ng updates ukol dito.

Itinalaga ni Dizon si DPWH Undersecretary for Planning, Public-Private Partnerships, and the National Building Code Development Office, Atty. Nicasio Conti bilang chairman ng NBCRC habang si DPWH Undersecretary for Technical Services and Operations for External Convergence Projects, Engineer Lara Marisse Esquibil ang vice chairman.

Inatasan ang nasabing komite na suriin ang mga tinukoy na concerns ng mga professional at technical groups at magrekomenda ng kaukulang aksiyon hinggil sa isyu ng code at Revised Implementing Rules and Regulations (RIRR) nito na inisyu noong 2005.

Ani Dizon, mahalaga ang pagrepaso upang matiyak na ang building regulations ay nananatiling relevant, sa gitna nang nagbabagong construction practices at safety standards.

Ang National Building Code o ang Presidential Decree No. 1096, ay isinabatas noong 1977 at huling nakitaan ng major updates sa implementing rules nito noong 2005.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …