HINDI na nakauwi sa kanyang tahanan ang isang lola
nang mabundol ng sasakyan habang tumatawid sa isang kalsada sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Lola Evelyn, 70 anyos, residente sa A. Rivera St., sa Tondo, habang inaresto at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si alyas Bernie, residente sa Ermita, Maynila.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong 7:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue, kanto ng Bambang St., sa Tondo.
Sa lakas ng impact nang pagkakabangga, tumilapon ang biktima sa sementadong kalsada na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com