Thursday , June 4 2026
Cai Cortez

Cai Cortez sa pagbabantay ng netizens: matindi ang evaluation sa socmed

RATED R
ni Rommel Gonzales

BINABALANSE ni Cai Cortez ang pagiging artista at pagiging konsehala sa Taytay, Rizal.

At kahit abala sa pag-aartista si Cai ay hindi niya pinababayaan ang kanyang political career.

Lahad ni Cai, “Makikita nila ako parati sa munisipyo. 

“At patuloy ang pagsama ko sa activities sa mga barangay.”

Aware si Cai na binabantayan ng netizens ang mga artistang politiko.

“Well, kailangan mo na i-expect ‘yun kasi, siyempre, tumatanggap ka ng sahod galing sa taong bayan. So you have to be open to be criticized by the taong bayan.

“Actually, kaya ako tumakbo talaga. Kasi sawa na ako magreklamo. Marami rin akong mga katanungan, eh.

“Gusto ko nang gumawa at magkaroon ng pagbabago. So far, happy naman po ako. May nagagawa na tayo para sa mga taga-Taytay.

“I’m given this chance to work for them and happy naman po ako.”

Buwan-buwan ay mayroon silang performance evaluation sa munisipyo, pero mas matindi raw ang evaluation ng mga mapanuring netizens.

“Sa totoo lang, mas malala nga po ang social media evaluation, eh.

“Kasi every day, ‘di ba? May nakikita kang comments, may nakikita kang mga message.

“Kaya roon pa lang, naa-assess mo na sarili mo kung nasa tama ka bang path? Nagtatrabaho ba ako ng tama?

“In fairness, maganda, nakatutulong ako sa maraming tao. Sa social media mo na lang makikita na, ‘Ay, mabait ito, masipag ito!’”

Napapanood si Cai sa Apoy sa Dugo ng GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …