RATED R
ni Rommel Gonzales
IPINAGMAMALAKI ni Rodjun Cruz na ang DM Studios ay concept mismo ng misis niyang si Dianne Medina.
“’Yang DM Studios, vision niya ‘yan.
“Sabi ko gamitin mo ang DM Studios. Huwag mong ilagay ang pangalan ko kasi vision mo ‘yan, support ako sa iyo all the way.
“Ganyan din siya sa business namin na Cruz Fit, nakasuporta rin sa akin si Dianne. Ganoon kaming mag-asawa, we support each other, team kaming dalawa.”
Sa DM Studios ay si Rodjun ang tumatayong vice-president for marketing at si Dianne ang CEO at President.
May kinalaman ang DM Studios sa live selling at marketing campaigns ng mga brand at influencers.
“DM Studios and Agency, focus ‘yan on content creativity and live selling. So content-driven live selling siya, so ‘yun ang marketing performance to connect with our viewers.
“Gagawa tayo ng campaigns so we can attract viewers also, and eventually ‘yun ang magiging loyal costumers natin.
“Live selling agency siya, ‘yung e-commerce. Siyempre may mga platform ‘yan, live commerce siya. So ‘yung mga audience mo makikita ka, mae-experience ‘yung ibinebenta mo, kung anong products. Sila mismo mae-engage sila to buy your product.
“’Yun ang maganda sa DM Studios kasi we will help branch grow and siyempre makatutulong din tayo sa mga creator, sa mga live seller at the same time,” pahayag pa ni Rodjun na isa ring Sparkle talent ng GMA.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com