ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ASTIG talaga ang hotness na taglay ng sexy actress na si Sahara Bernales.
Isa siya sa nagsabog nang kakaibang init sa VMX movie na “Scorpio Nights 4” at ang susunod na aabangan naman kay Sahara ay ang pelikulang “Monay.”
Sa title pa lang ng mga latest movie niya, sadyang masasabi na malupet magpatikim ng kanyang taglay na alindog si Sahara, kaya hindi dapat palagpasin ang mga pelikula niya.
Bukod kay Sahara, tampok sa pelikula sina Kim Yashii, Rash Flores at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Christopher Novabos.
Inusisa namin ang dalaga sa role niya sa pelikulang Monay?
Tugon ni Sahara, “Ako si Ramona rito, nakatatandang kapatid ni Monina (Kim Yashii) at kasintahan ni Gelo (Rash Flores).
“Ang role ni Ramona ay nagmamay-ari sila ng bakery at gagawin niya ang lahat ng makakabuti para sa kanyang nakababatang kapatid na si Monina. Ngunit si Monina ay may natatagong pagtingin sa kasintahan ni Ramona na si Gelo.
“So, abangan po ninyo ang matinding plot twist ng movie namin,” nakangiting sambit pa niya.
Aniya pa, “Yes, ito po ay mapapanood, only on VMX! Dito’y makikita at matutuklasan ang sexiest, hottest and super wild scenes namin.”
Bakit Monay ang title ng kanilang pelikula?
“Monay po ang title, kasi monay ang specialty sa bakery ni Ramona,” matipid na tugon niya.
Ang mga VMX movie ngayon, patindi nang patindi, ito ba matindi rin ang mapapanood na mga love scenes?
“Yes po, sobrang tindi ng mga eksena rito. Hindi lang matindi, super wild pa! Hindi po magpapatalbog ang Monay namin sa ibang movies sa VMX, hahahaha!” Nakatawang sambit pa ng aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com