Thursday , June 4 2026
Emille Joson

Direk Emille Joson sapol ang atensyon ng kalalakihan sa hot bikini photos

NAPA-WOW! at talaga namang hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang sexy photo at ilang videos ng internationally acclaimed filmmaker na si Direk Emille Joson nang mag-post suot ang white two-piece bikini. 

Marami ang nagsabing ito ang unang pagkakataon na nag-two piece ang direktor ngayong nasa 30 na. Dati-rati kasi’y naka-one piece lamang si Emille o kaya nama’y naka-shorts noong mid-20s. Kaya naman hindi nakapagtatakang dagsa ang mga netizen na nag-screenshot ng kanyang larawan at muling ipinost sa iba’t ibang platform, kalakip ang samo’tsaring komento.

May ilan pang napa-react ng, “Ito ‘yung hindi nakaiirita kasi legit na maganda talaga ang transition, lalo na sa personal!”

May ilan ding nagpahayag ng paghanga sa kanyang pagiging humble at magandang relasyon sa ama na dating TV cable auditor, “She’s a nepo baby na mababang-loob.”

May ilan din ang pumuri sa umano’y mahusay na trabaho ng kanyang mga aesthetic surgeon, sabay komento ng, “Astig ng doktor na ito, walang bakas, walang kahulma.”

Bukod sa kanyang alindog, marami rin ang humanga sa kompiyansa sa sariling katawan. Inspirasyon si Emille sa pagpapakita ng isang mestizang Latina na may atletikang hubog, lalo na sa kanyang balakang. 

Ayon sa ilan hindi man sobrang payat, toned naman ang pangangatawan, malakas ang dating, at kaakit-akit pa rin.

Si Emille rin ang isa sa iilang personalidad mula sa LGBT community na patuloy na hinahangaan maging ng kalalakihan, at hindi kinokondena ng publiko kahit hayagan siyang nakikipag-date sa babae o lalaki. 

Ayon sa ilan, bukod sa kanyang kagandahan, malaking factor din ang talino nito bilang filmmaker at pagiging pribadong celebrity.

Sa kanyang Instagram post, makikita rin ang larawan habang nagpapamasahe, habang nasa isang larawan naman ang librong Psycho Trilogy ni Robert Bloch, ang nobelang naging batayan ng klasikong pelikulang Psycho ni Alfred Hitchcock.

Sa kasalukuyan, abala si Emille sa kanyang humanitarian efforts para sa kanilang Alaga Producers Cooperative, gayundin sa pamamahala ng ilang negosyo at investments na naiwan ng kanyang yumaong ama. Isa siya sa mga namumuno rito kasama ang kanyang mga nakatatandang kapatid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …