Friday , June 12 2026
Lala Sotto MTRCB

MTRCB lusot sa ribyu ng DBM; tumanggap ng markang ‘Very Satisfactory’

NAKATANGGAP ng “Very Satisfactory” rating para sa 2025 ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Iniulat din ng Ahensiya na mahigit 33,000 materyales ang dumaan sa masusing ribyu sa unang kuwarter ng 2026.

Ayon sa MTRCB, nakakuha ito ng kabuuang performance score na 4.58 dahil sa mahusay na pamamahala ng pondo at resources, gayundin sa maagap na pagsusumite ng mga kinakailangang ulat.

“The Agency’s financial accomplishments reflect a noteworthy high utilization rate for both obligations and disbursements, indicating effective management of resources,” sabi sa sulat ni DBM Acting Secretary Roland Toledo.

Sinabi ni Chairperson at CEO Lala Sotto na ipinapakita ng resulta ang patuloy na pagtupad ng Ahensya sa mandato nitong protektahan ang manonood habang sinusuportahan ang creative sector.

“Ang ‘Very Satisfactory’ rating mula sa DBM ay patunay ng aming komitment sa transparency at excellence sa public service,” ani Sotto. “Habang patuloy naming nirerepaso ang libu-libong materyales na may 100 porsiyentong accomplishment rate sa loob ng itinakdang sampung araw, nananatiling prayoridad namin ang pagtiyak na ang content ay naaangkop sa edad ng pamilyang Pilipino.”

Sinabi rin ng Ahensiya na nalampasan nito ang revenue target para sa 2025 ng 128.01 porsiyento matapos makalikom ng P122.89 milyon. Iniuugnay ito sa pagdami ng registered entities at pagtaas ng production activity.

Iniulat naman ng Monitoring and Inspection Unit ng Ahensiya ang 99.90 porsiyentong compliance rate ng mga regulated establishments, kabilang ang mga sinehan at cable operators, sa pamamagitan ng araw-araw na inspeksyon.

Ayon pa sa Ahensiya, tumaas din ang public engagement matapos umakyat ng 19.82 porsiyento ang bilang ng reports at feedback mula sa publiko, malayo sa 5 porsiyentong target. Lumago rin ng 17.45 porsiyento ang partisipasyon sa mga seminar at information campaign ng

“Matalino at Responsableng Panonood,” kabilang ang 56 na aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mula Enero hanggang Marso 2026, nakapagribyu at nakapag-classify ang Ahensya ng 33,516 materyales, kabilang ang 30,491 television programs, 150 pelikula, 2,046 television plugs, 437 movie trailers para sa sinehan at telebisyon, at 392 non-video publicity materials. 

“Nagpapasalamat kami sa patuloy na pagtaas ng tiwala ng publiko,” ani Sotto. “Sa pagpapatuloy ng 2026, mananatili kaming nakatuon sa Responsableng Panonood campaign upang itaguyod ang kultura ng wastong media consumption at self-regulation.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …