PATULOY na pinag-uusapan ng viewers ang bagong TV5 primetime series na A Secret in Praguematapos itong magpakitang-gilas hindi lang sa telebisyon kundi pati sa streaming at digital platforms. Mula TV screens hanggang online conversations, ramdam ang lakas ng audience response sa seryeng patok sa iba’t ibang klase ng manonood.
Sa YouTube, umabot na sa mahigit 290,000 views ang unang episode ng programa. Sa Netflix Philippines naman, mabilis ding umarangkada ang serye at naging #1 TV series sa loob ng dalawang araw. Tuloy-tuloy din ang pagtaas ng online buzz matapos ang pilot episode.
Bukod sa strong numbers, kapansin-pansin din ang positibong feedback ng netizens na pumuri sa cinematic visuals ng show, kakaibang Prague setting, engaging storyline, at usap-usapang fresh na tambalan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil. Para sa maraming viewers, fresh at world-class ang dating ng serye—patunay na naghahanap ang audience ng bagong klase ng entertainment experience.
Sa patuloy na momentum ng A Secret in Prague, mas exciting ang mga susunod na kabanata na tiyak magpapakaba, magpapakilig, at mag-iiwan ng bagong sikreto gabi-gabi.
Tutukan ang A Secret in Prague, weeknights 8:00 p.m. sa TodoMax Primetime ng TV5.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com