MATABIL
ni John Fontanilla
ISINUSULONG ni Marlo Mortel ang pag-unawa sa kalusugan ng isip, pangangalaga sa sarili, at propesyonal na tulong para mas maunawaan kung paano pamamahalaan ang mga nakikibaka sa ganitong problema.
Sa mga interview ni Marlo ay inamin nitong minsan na rin siyang nakaranas ng anxiety dulot ng mga personal problem at sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya at ng kanyang sarili ay nalagpasan niya ito.
Kaya naman nag-aral ito tungkol sa mental health at kung paano ito malalagpasan.
Hindi lang nito maintindihan sa kung bakit may mga taong hindi naniniwala na may mga indibidwal na dumaraan at nag-strugle sa mental health.
Post nito sa kanyang FB page, “This kind of thinking is exactly why the world isn’t getting better.
“The fact that we can think, comment, form beliefs, and make decisions is proof that our mental health is uniquely functioning. It’s part of being human and our responsibilty to understand how individual minds function.
“So it honestly blows my mind how some people still don’t believe that mental health struggles exist, or that they can show up differently in each person. #depression #anxiety #mentalhealth #reality.”
Ngayon ay advocate na ng mental health at naiimbitahan na ring maging speaker si
Marlo ukol sa mental health.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com