Thursday , June 4 2026
arrest, posas, fingerprints

Umbagerong kelot ipinakulong ng live-in partner

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng pananakit laban sa kaniyang live-in partner sa kanilang bahay sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng umaga, 26 Abril.

Ayon sa ulat kay P/Lt. Col. Eric Cister, hepe ng Pulilan MPS, inireklamo ng 29-anyos biktima ang ginawang panununtok ng suspek na nagresulta sa pinsala sa kaniyang kaliwang braso at mga labi.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-ugat ang insidente sa isang post ng biktima sa social media na ikinainis ng suspek.

Matapos ang pananakit, agad tumakas ang suspek samantala humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Pulilan MPS na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng suspek.

Dinala ang suspek kalaunan at isinuko sa Pulilan MPS dakong 4:20 ng hapon sa parehong araw para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, isasailalim sa medical examination ang parehong suspek at biktima sa Bulacan Medical Center, sa lungsod ng Malolos.

Isasangguni rin ang biktima sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD) para sa kaukulang counseling.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 laban sa suspek.

Mariing pinaaalalahanan ng pulisya ang publiko na agad iulat ang anumang uri ng karahasan sa loob ng tahanan upang mabigyan ng agarang aksiyon at proteksiyon ang mga biktima. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …