Thursday , June 4 2026
knife hand

Sa Payatas
Laborer utas sa saksak

BINAWIAN ng buhay ang isang construction worker matapos patraidor na saksakin sa Brgy. Payatas, lungsod Quezon nitong Linggo ng gabi, 26 Abril.

Kinilala ang biktimang si Michael Bryan Napoles, 29 anyos, residente sa Lupang Pangako, sa nabanggit na barangay, at idineklarang dead on arrival nang isugod sa Rosario Maclang Hospital matapos ang insidente.

Sa ulat mula sa Criminal Investigation and Detection Unit – QCPD, dakong 10:50 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa naturang lugar.

Nabatid na tinutulungan ng biktima ang kanyang tiyuhin na kinilalang sisi alyas Richard na itulak ang kaniyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Bumaba sa motorsiklo ang isa sa mga suspek na nakasuot ng asul na jacket saka sinaksak sa likod ang biktima.

Matapos maisakatuparan ang krimen, agad tumakas ang mga suspek sakay ng asul na motorsiklong Honda Click.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nananatiling nakalalaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …