Thursday , June 4 2026
SPD, Southern Police District

2 nambutas ng gulong at namukpok ng baril sa salamin ng pick-up ‘target’ ng pulisya

TARGET ng Southern Police District (SPD) ang dalawang lalaking ‘bida’ sa isang viral video na bumutas ng gulong at namukpok ng baril sa salamin ng isang Nissan Navara sa Taguig-Makati area, nitong Biyernes, 24 Abril.

Matukoy ng SPD ang isa sa dalawang suspek habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa, na kapwa ipatatawag para imbestigahan dahil sa nakitang paglabag sa umiiral na batas.

Kahit nagkaroon ng amicable settlement ang mga nabanggang sasakyan ng driver ng Nissan Navara at hindi na naghain pa ng reklamo, kinakailangan pa rin magpaliwanag ang dalawang suspek.

Ayon kay SPD Acting Director PCol. Glenn Oliver Cinco, hinabol ng dalawang naka-helmet ang driver ng Nissan Navara na tumakas matapos banggain ang isang Toyota Corona na sumalpok naman sa isang motorsiklo sa Chino Roces Avenue, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig noong Biyernes gabi, 24 Abril 2026.

Inabutan ng dalawa ang tumakas na driver nang makabangga ng isa pang sasakyan sa Chino Roces Avenue Extension malapit sa Alphaland, Brgy. Magallanes sa Makati City kung saan naispatan ang pamumukpok ng baril sa salamin ng sasakyan at pagbutas sa dalawang gulong na nakunan ng video ng isang motorista.

Inilinaw ni Makati City PCol. Pedro Alagano, Jr., multiple vehicle collision at hindi road rage o robbery ang nasabing insidente. Naganap ito dakong 7:00 ng gabi malapit sa gasoline station sa Chino Roces Avenue sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Sinabing paliko sa kaliwa kaya bumagal umano ang isang sedan na nabangga ng Nissan Navara ang likurang bahagi, dahilan upang umusad at mabangga ang motorsiklo sa kabilang lane.

Nasugatan ang sakay ng motorsiklo habang tumakas ang pick-up ngunit pagsapit sa Chino Roces Extension sa Brgy. Magallanes ay muling bumangga sa isa pang sasakyan.

Sa kabila nito, nagkasundo ang bawat panig sa isyu ng banggaan, habang patuloy sa pagtukoy sa isa pang suspek. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …