Thursday , June 4 2026

Noong tumakbong mayor
SINALAKAY NA KTV BAR HEADQUARTERS NI DEFENSOR

042826 Hataw Frontpage

HATAW News Desk

INIHAYAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang kaugnayan ng dating mambabatas na si Mike Defensor sa sinalakay na Chicago KTV Bar at Bleu Hotel.

Kasabay nito, binigyang-diin na ‘trabaho’ at walang halong politika ang inilunsad na operasyon.

Sa kanilang surveillance, sinabi ni Matibag, ginamit na headquarters para sa ‘PR’ ni Defensor ang Chicago KTV sa pag-entertain sa mga barangay officials noong tumakbo bilang mayor ng Quezon City.

Sinabing ginamit ni Defensor na excuse ang paglaban sa gobyerno para mapagtakpan ang pinaniniwalaang mga ilegal niyang aktibidad.

“Between a document and statement of Mike Defensor sino po ang paniniwalaan natin… kasi meron pong rules, sa rules of court, ang sabi the documents speak for itself and the best evidence rule, ang document po, stronger evidence ‘yan kaysa alibi, unless the document is falsified po,” dagdag niya.

Ani Matibag, matagal nang sinusubaybayan ang aktibidad sa bar bago ito sinalakay noong 21 Abril, kung saan nasagip ang nasa 54 biktima ng human trafficking para sa sex exploitation, na karamihan ay mga single mother at ang mga edad ay hindi lalagpas sa 25.

“When we look at the history ng lugar na ito, nagpalit na ito ng pangalan e. Ang pangalan ng Chicago KTV noon, Veneto Luna… at ganyan na talaga ang modus niyan,” aniya.

Ang Bleu Hotel, aniya, na nasa ikalawang palapag, habang ang Chicago bar ay nasa ground floor ay magkarugtong ang operasyon. Ang transaksiyon umano ng “mama sang” sa mga kliyente sa ibaba ay dederetso sa secret passage patungo sa Bleu Hotel para sa sexual encounter ng mga parokyano.

Nasa dokumento rin aniya, na interlocking ang mga opisyal ng mga establisimiyento na ang president at chairman ay si Julie Defensor at treasurer naman ang anak na si Miguel, na nakarehistro hanggang 2026 sa Securities and Exchange Commission sa ilalim ng Zerrin Development.

Dagdag ni Matibag, noong iniimbestigahan nila, hindi nila nakita na ang may-ari ng Zerrin ay asawa ni Defensor.

                    “Katunayan, ang alam lang namin, it is situated in Cliffpoint Square na pagmamay-ari ng Cliffpoint Development Corporation. Honestly, alam namin na ‘yung Cliffpoint Development Corporation, ang nagmamay-ari po niyan ay si Mike Defensor, kasama po siya riyan,” dagdag ng NBI chief.

                    Wala pang inilalabas na bagong pahayag ang kampo ni Defensor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …