Thursday , June 4 2026
Joel Torre A Secret in Prague

Joel abala sa pag-aasikaso kapakanan ng manggagawa sa industriya

HARD TALK
ni Pilar Mateo

LATE dumating sa doble-pasabog grand launch ng TV5, si Joel Torre. Ang isa sa may mahalagang papel sa  pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil na A Secret in Prague. Nagsimulang umere kahapon, Lunes, 8:00 p.m.. Mula sa direksyon nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria.

May misyon naman palang pinanggalingan ang premyadong aktor at matagumpay ding negosyante sa kanyang JTs Manukan Grille sa iba’t ibang parte ng bansa hanggang sa tawid-dagat.

May kinalaman sa intellectual property rights. Para sa kapakanan ng ating mga manggagawa sa industriya.

Still drawing the fine lines. Starting with the IRR (Implementing Rules and Regulations) where now the artists can receive their residuals and remunerations sa mga trabaho nila. 

“Nakikita natin our artists, ang iba nagre-retire na wala man lang naipon. So, roon kami nanggaling for the meeting. Na matagal na naman na nandyan lang pero hindi natin nabibigyan ng pansin.”

Isa na namang magandang papel ang naibigay sa kanya sa A Secret in Prague na ginagampanan niya ang katauhan ni General Norberto Ruiz na isang agent director.

Hindi man nakasama sa taping in Prague, challenged din si Joel sa kinaharap niyang papel.

Most of my scenes are with Edu (Manzano). Masaya sa set. To be working with such talents. You know how I love doing these projects.”

Magkaganoon man, katulong ang anak na bagong kasal na si Marela (na kagyat na tumigil muna sa showbiz), hands-on ito sa maya’t mayang pagbisita sa mga binuksang branches ng JTs sa Singapore (2) at Dubai (magiging 2 na) at dito naman sa bansa ay sa Boracay at Siargao.

Excited na ring maging Lolo si Joel.

Number three recipe na sa mundo ang ating chicken inasal. Kaya we’re very happy to bring it to the world.”

Pagsapit naman  ng 8:45 p.m., susundan ng My Bespren Emman ang A Secret Agent in Prague. Na ang mga bida naman ay sina JM de Guzman at Shaina Magdayao kasama si Ai Ai delas Alas at Sid Lucero.

Kung hitik sa aksiyon ang romantic-thriller na Prague, luha naman ang ihahatid ng madamdaming mga eksena sa Emman.

May pinaghugutan sa mga totoong istorya ang ilalahad ng mga karakter sa idinirehe nina Derick Cabrido at Jerome Pobocan na proyekto. 

Nakabakas ang Spring Films ni Papa P (Piolo Pascual) sa proyekto. At ito pala ang nag-offer kay Ai Ai na tanggapin ito.

Akala ko nga kasali siya. Pero siya ang nag-offer sa akin kaya tinanggap ko naman agad.”

Umiikot sa pananampalataya, pakikipagkaibigan, at pagtubos ang istorya ng karakter ni JM na si Mateo at ng isang misteryosong tao na mapagkikilanlan bilang si Emman.

Sa unang pasabog pa lang ng teaser-trailer ng #Pa5siklaBacktoBack ng  Todomax Primetime Singko ngayon ng TV5, milyon na ang nakatunghay dito. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …