Thursday , June 4 2026
CapEath Caprice Cayetano Heath Jornales

CapEath series ikinatuwa ng fans

RATED R
ni Rommel Gonzales

TALAGA namang nagdiwang ang fans ng CapEath o Caprice Cayetano at Heath Jornales sa announcement ng GMA sa gagawing serye ng dalawang young artists.

Noong Sabado ay pormal na ibinalita ang kauna-unahang TV project na pagtatambalan ng dalawa – ang romantic drama series na You’re My Favorite Song.

Mapa-bagets o young-at-heart, pinusuan ng maraming netizens ang ayudang ito mula sa CapEath tandem.

”CapEath na CapEath na Ang mga Titas very excited,” say ng isang netizen.

Ito nga raw ang “pinaka good news narinig ko today,” ayon pa isa.

“Ang sarap sa eyes makita ang ‘CapEath,” comment naman ng isa sa official post ng Kapuso PR sa Facebook.

Makakasama ng CapEath ang kanilang fellow Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 alumni at kapwa Sparkle artists na sina Marco Masa at Clifford.

Ito ay sa ilalim ng GMA Public Affairs na marami na ring na-produce na hit TV series tulad ng Lolong, Black Rider, at My Ilonggo Girl.

This year mapapanood ang seryeng ito pero ngayon pa lang, abangers na ang CapEath shippers, siyempre!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …