RATED R
ni Rommel Gonzales
NUMBER 1 movie sa video streaming platform na Prime Video ang satirical comedy film ng GMA Pictures na Samahan ng mga Makasalanan.
Tila marami nga ang gustong mapanood ulit ang pelikulang pinagbibidahan ni Kapuso actor David Licauco dahil sa magaan ngunit makabuluhang pagtalakay nito sa tema ng redemption o pagbabago. Bida rin sa pelikula sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Buboy Villar, at marami pang iba.
Noong April 24 nagsimulang maging available sa Prime Video ang nasabing pelikula na idinirehe ni Benedict Mique. Taong 2025 naman ito unang ipinalabas sa mga sinehan.
Si Deacon Sam (Licauco) ay isang madasalin at idealistang binata na madedestino sa Sto. Kristo na isang bayang pugad ng mga “makasalanan.” Itatayo niya ang “Samahan ng mga Makasalanan” na layuning gabayan ang mga taga-Sto. Kristo pero kalaunan ay mahaharap sa tukso.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com