I-FLEX
ni Jun Nardo
REUNITIED si Ice Seguerra at ang Vicor Music para i-celebrate ang 25 years ng kantang Pagdating Ng Panahon at ang bagong version nito ay ini-record at inilabas na sa lahat ng streaming platforms nitong Abril 20.
One of the most loved songs ang Pagdating Ng Panahon na may version si Sharon Cuneta at naging title ng movie nila ni Senator Robin Padilla.
Sa pagharap sa media ni Ice, tinanong namin ang feeling niya noong unang recording ng iconic song at nitong ini-record niya na wala na ang Mommy Caring at Daddy Dick niya.
“Galing ako sa school noon. Inaantok at pagod. Kinanta ko lang at hindi iniisip na magiging hit song ito,” sabi ni Ice.
Eh last February niya muling ini-record ang hit song niya na wala na ang magulang niya.
“Iba rin ang feeling ko. Basta inisip ko na nandiyan lang ang mommy at daddy ko na nakatingin sa akin, prouder.
“Pinalabas ko ang mga tao sa studio. Pinatay ko ang ilaw at natapos nang maayos. Mahirap na muling i-record ang kanta na una mong kinanta,” pahayag ni Ice.
Kasama ang bagong version ng Pagdating Ng Panahon sa EP na mapakikinggan na ng mga Gen Z. May iba pang kantang nakapaloob sa EP.
Congratulations, Ice!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com