SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAG-SHINE ang Star Magic artists at Your Face Sounds Familiar Season 4 Grand Winners na sina Marielle Montellano at JM dela Cerna sa ginanap na Star Magic Spotlight Press Conference noong April 20, 2026, sa Dolphy Theatre, ABS-CBN.
Ibinahagi ng dalawang vocal powerhouses na kilala bilang “Birit Duo” ng season kung paano nagsilbing turning point ang mabusisi at matinding kompetisyon sa kani-kanilang career.
Para kay JM, higit pa sa panggagaya ng icons ang naging journey niya. Naging isa itong mahalagang lesson sa pagkuha ng risks pagdating sa entablado.
Kilala sa kanyang technical precision, inamin ni JM na tinulungan siya ng show na lumabas sa kanyang shell at yakapin ang mga hindi inaasahang hamon.
“Siguro ‘yung pinaka-nakapagpa-realize sa akin is that the greatest risk is not taking any risk at all, ‘yun po yung napulot ko talaga after ‘Your Face Sounds Familiar,’” kwento ni JM nang tanungin tungkol sa pinakamahalagang aral na nakuha sa show.
Nakahanap naman ng mas malalim na purpose si Marielle sa pamamagitan ng kompetisyon. Bukod sa prosthetic make-up at mabusising costumes, natuklasan niya na ang tunay na puso ng bawat performance ay nakasalalay sa emotional connection sa audience.
“Being part of ‘Your Face’ pushed me to become more intentional, not just with my music,” ani Marielle. “Hindi lang siya basta-basta na andyan lang tapos kakantahin mo as is. Dapat pala you put your heart into it, your soul, and how I connect with the audience as well, ”sabi ni Marielle.
Mula sa kanilang “iconic “Iconator” moments hanggang hirangin bilang grand winners ng YFSF, pinatunayan ng tambalang “JMielle” na isa silang multifaceted performers.
Patuloy ang transformation ng Birit Duo sa kanilang upcoming concert na JMIELLE: Sings The Icons May 29, 2026, sa SM North EDSA Skydome.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com