IPINAHAYAG ni Lance Raymundo na mas gusto niyang gumawa ng advocacy film na may mapupulot na aral ang mga manonood. Tulad ng napapanahong pelikula nilang “Neophyte 26” na nagkaroon ng matagumpay na premiere night last Wednesday sa Cinema 3 ng Ayala Malls Vertis North, Quezon City.
Ang Neophyte 26 ay pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Angelica Jones.
Ang pelikula ay ukol sa fraternity hazing na naging mitsa ng halos pagkasira ng pamilya ng isang mapagmahal at matatag na ina, na handang isakripisyo at ibigay ang lahat para sa kanyang anak.
Sambit ni Lance, “Of course, kasi kasama sa mission ng artista riyan is that we have the voice, hindi ba? That, you know, people look-up to us, they listen to us.
“So, siyempre kung papipiliin kami, mas gusto namin ang makagawa ng movie na something na makabuluhan talaga.”
Pagpapatuloy pa niya, “I really know about this problem, kasi nga galing ako sa school na sikat ang frat, hindi ba? Taga UP ako… and after all these years, after ng lahat ng sensational deaths, hindi pa rin natitigil itong hazing.
“Kaya talagang ang movie is a great medium, kasi ang mga bata, ang attention nila ay nandoon, hind ba? That is why some of our values comes from the movies we watch.”
Pahabol pa ni Lance, “So, If I will be part of a movie na makakatulong sa pag-inculcate ng values, talagang kinukuha ko iyong chance na maging parte nito. That is why I’m thankful na nabigyan na naman ako nang pagkakataon, na nasa isang makabuluhang pelikula ako.”
Hatid ng Empowerment Productions and Spring Ferry Productions, ang pelikula ay brainchild ni Laguna Board member Angelica Jones. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Rommel Penesa and written by Charlotte Dianco.
Tampok din sa pelikula sina Elle Villanueva, Jon Lucas, Neil Ryan Sese, Andrea del Rosario, Ronald Adamat, Mike Lloren, Mosang, Maxine Trinidad, Chris Leonardo, Angelika Santiago, at introducing dito si Angelo Jones.
Anyway, isa siyang singer, actor, at host, ano ba ang mas priority niya sa showbiz?
Tugon ni Lance, “First and foremost ay artista ako. Acting pa rin talaga, that’s number one.
“But I’m really thankful din na naso-showcase ko ang talento ko around the world. Kasi, bilang host, I’m a global host. So, it makes me proud as a Filipino… kababalik ko lang galing Bali (Indonesia), because I hosted another international pageant, yung Mister and Miss Teenager Universe and I’m flying to India very soon for Miss Universe India.
“So imagine, sa dami ng host nila, local celebrities, bakit sila pipili ng Pinoy? So, iyon yung proud ako bilang Pinoy. Not because Lance Raymundo is doing it, pero iyong Lance Raymundo bilang isang Pinoy.”
Bago natapos ang aming huntahan, nabanggit ni Lance na may aabangang single hindi lang sa kanya, kundi sa kanilang apat na magkakapatid.
Kuwento ni Lance, “Nang nag-guest kaming apat na magkakapatid sa Family Feud, iyong Raymundo brothers – me, Rannie, Richard at Neil… First time namin to appear on TV, ever sa buong buhay namin and na-inspire kami na gumawa ng Raymundo brothers’ single.
“So it’s in the works right now, and it’s called “Wait For Me.” Mapi-feature rito iyong iba’t ibang talento ng Raymundo boys in one song,” nakangiting sambit pa ni Lance.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com