Thursday , June 4 2026
Atty Ade Fajardo Martin Romualdez

PHDO inamin
ROMUALDEZ ‘DI TATAKAS – ABOGADO

ITINANGGI ng abogado ni dating House Speaker, Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez na lumabas ng bansa ang kanyang kliyente at sinabing ang ulat o pagpaparunggit na ‘tumakas’ ay palso at iresponsable.

Ayon kat Atty. Ade Fajardo, “tinatanggap namin ang ulat na nag-isyu ang Sandiganbayan ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa kahilingan ng Office of the Ombudsman.

         “Sa kabila nito, klarong tinitiyak namin na si Rep. Romualdez ay nasa Filipinas.”

         Dagdag ni Fajardo, sumusunod sa tamang proseso ang kanyang kliyente. Humihingi siya ng kaukulang awtorisasyon sa paglalakbay at nakikipag-ugnayan nang may katapatan sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) para sa maikli, at matagal nang nakatakdang apat-na-araw na pagpapatingin (medical check-up) sa kanyang doktor sa Singapore.

“He sought and secured the necessary travel authority and coordinated in good faith with the Department of Justice and the Bureau of Immigration for a brief, long-overdue four-day medical check-up with his attending physician in Singapore,” pahayag ng abogado.

         Aniya, hindi nagbabago ang ugaling ito ni Romualdez, ito ay lagi mula pa noong umpisa — sa pakikipagtulungan, para malinaw, at laging may respeto sa prosesong legal.

         Ngunit sa kasamaang palad aniya, ang lehitimong aksiyon na ito ay pinipilipit upang lumikha ng nakapipinsalang naratibo na siya ay may intensiyong tumakas.

         “Gagawin namin ang lahat ng remedyong legal upang kuwestiyonin ang pag-iisyu ng nasabing “order” sa tamang forum.”

Binigyang diin ni Fajardo, patas na haharapin ni Rep. Romualdez ang nasabing mga alegasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …