LALONG mag-iinit ang summer sa Primetime Pa5iklab ng TV5 na lalong magpapalakas ng TodoMax Primetime Singko block sa nalalapit na pagbubukas ng mga inaabangang star-studded series na A Secret in Prague at My Bespren Emman sa April 27.
Unang magliliyab sa mga pasabog ang action drama na A Secret in Prague na tampok ang unang pagtatambal ng ultimate heartthrob na si Enrique Gil at si Gen Z Queen na si Andrea Brillantes.
Gaganap si Enrique bilang Mikoy, isang masipag at pursigidong anak at kapatid na lumipad papuntang Prague para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Mahaharap sa panganib si Mikoy sa Prague nang atasan siya ng isang secret organization para bantayan ang fierce at fearless na anak ng isang mafia na si Chiara (Andrea).
Ang A Secret in Pragueay co-produced ng Slingshot Studios (na partner din si Enrique), isinulat ni Mark Duane Angos, at idinirehe nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria. Mapapanood ang A Secret in Prague mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., pagkatapos ng Frontline Pilipinas.
Pagsapit ng 8:45 p.m., mapapanood na ang My Bespren Emman na tampok ang powerhouse cast na kinabibilangan nina JM de Guzman, Shaina Magdayao, Sid Lucero, at Ai-ai delas Alas. Susundan ng inspirational drama na ito ang kwento ni Mateo (JM) na nagnanais maitama ang pagkakamali ng kanyang nakaraan para maisaayos ang buhay kapiling ang kanyang childhood best friend na si Ruth (Shaina). Sa pamamagitan ng isang aksidente, makikilala ni Mikoy ang aagapay at gagabay sa kanya patungo sa pagbabagong-buhay – si Emman.
Ang My Bespren Emman ay co-produced ng Numinous Narratives at Spring Films, sa direksiyon nina Derick Cabrido at Jerome Pobocan. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng A Secret in Prague.
Tunghayan ang pinaka-aabangang premiere ng A Secret in Prague at My Bespren Emman ngayong April 27, 2026. Simula pa lamang ito ng maraming sorpresa at pasabog sa Primetime Pa5iklab ng TV5. (MValdez)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com