Wednesday , June 24 2026
A Secret in Prague My Bespren Emman

A Secret in Prague at My Bespren Emman back-to-back Primetime Pa5iklab ng TV5

LALONG mag-iinit ang summer sa Primetime Pa5iklab ng TV5 na lalong magpapalakas ng TodoMax Primetime Singko block sa nalalapit na pagbubukas ng mga inaabangang star-studded series na A Secret in Prague at My Bespren Emman sa April 27.  

Unang magliliyab sa mga pasabog ang action drama na A Secret in Prague na tampok ang unang pagtatambal ng ultimate heartthrob na si Enrique Gil at si Gen Z Queen na si Andrea Brillantes

Gaganap si Enrique bilang Mikoy, isang masipag at pursigidong anak at kapatid na lumipad papuntang Prague para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Mahaharap sa panganib si Mikoy sa Prague nang atasan siya ng isang secret organization para bantayan ang fierce at fearless na anak ng isang mafia na si Chiara (Andrea).   

Ang A Secret in Pragueay co-produced ng Slingshot Studios (na partner din si Enrique), isinulat ni Mark Duane Angos, at  idinirehe nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria. Mapapanood ang A Secret in Prague mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., pagkatapos ng Frontline Pilipinas.  

Pagsapit ng 8:45 p.m., mapapanood na ang My Bespren Emman na tampok ang powerhouse cast na kinabibilangan nina JM de Guzman, Shaina Magdayao, Sid Lucero, at Ai-ai delas Alas. Susundan ng inspirational drama na ito ang kwento ni Mateo (JM) na nagnanais maitama ang pagkakamali ng kanyang nakaraan para maisaayos ang buhay kapiling ang kanyang childhood best friend na si Ruth (Shaina). Sa pamamagitan ng isang aksidente, makikilala ni Mikoy ang aagapay at gagabay sa kanya patungo sa pagbabagong-buhay – si Emman.

Ang My Bespren Emman ay co-produced ng Numinous Narratives at Spring Films, sa direksiyon nina Derick Cabrido at Jerome Pobocan. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng A Secret in Prague

Tunghayan ang pinaka-aabangang premiere ng A Secret in Prague at My Bespren Emman ngayong April 27, 2026. Simula pa lamang ito ng maraming sorpresa at pasabog sa Primetime Pa5iklab ng TV5. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …