Thursday , June 4 2026
Pampanga Police PNP

Sa Pampanga  
2 most wanted persons, gunrunner nasakote

NAARESTO ng mga tauhan ng Pampanga Police Provincial Office (PPO), sa pamumuno ni P/Col. Eugene Marcelo, provincial director, ang no. 3 at no. 8 most wanted persons (MWPs) sa mga bayan ng Macabebe at Masantol, at isang nagbebenta ng loose firearms sa serye ng mga operasyon na isinagawa nitong Linggo, 19 Abril.

Bilang bahagi ng elevated manhunt operations, naaresto ng mga tauhan ng Macabebe MPS ang no. 3 MWP na nagtatago sa kinakaharap na kasong Serious Illegal Detention, isang paglabag sa ilalim ng Art. 267 ng Revised Penal Code (RPC), walang inirekomendang piyansa.

Natunton naman ng Masantol MPS ang no. 8 MWP ng Valenzuela City sa Brgy. Bagang, Masantol, Pampanga.

Nahaharap ang suspek sa tatlong bilang ng kasong Sexual Assault, isang paglabag sa ilalim ng Sec. 5, RA 7610; at tatlong bilang ng kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Sec. 5, RA 7610.

Sa patuloy na kampanya laban sa mga loose firearms, naglunsad ang Pampanga 2nd PMFC ng isang buybust operation na humantong sa pagkakaaresto sa 38-anyos suspek na nagbenta ng isang kalibre .38 revolver, kasama ang tatlong pirasong bala, sa isang undercover police officer.

Ayon kay P/Col. Marcelo, ang mga nagawang ito ay sumasalamin sa kanilang matatag na pangako na paglingkuran at protektahan ang kaniyang mga kababayan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …