Thursday , June 4 2026
NCAA aerobic gymnastics

NCAA, binuksan ang pinto para sa susunod na PH gymnastics stars

BINUKSAN ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang bagong oportunidad para sa mga susunod na pambansang atleta sa gymnastics matapos nitong isama ang aerobic gymnastics sa Season 101.

Sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) at Gymnastics Association of the Philippines (GAP), inilunsad ang programa sa Rizal Memorial Coliseum bilang hakbang para maihanda ang mga student-athlete na posibleng maging bahagi ng national team.

Ayon kay PSC Chairman Patrick Gregorio, mahalaga ang papel ng NCAA bilang pundasyon sa paghubog ng mga atleta.

“Bawat gymnast dito ay may potensyal na maging pambansang atleta. Binibigyan sila ng NCAA ng entablado, habang suportado ng PSC ang kanilang pag-unlad,” ani Gregorio.

Dagdag pa niya, hindi agad nabubuo ang mga kampeon kundi sa tuloy-tuloy na grassroots development.

Ang aerobic gymnastics ay isang high-intensity na galaw na sinasabayan ng musika, na kaakibat ng artistic gymnastics—ang larangan na nagpasikat kay Olympic double gold medalist na si Carlos Yulo.

Layunin ng NCAA na palawakin ang hanay ng mga atleta na maaaring sumabak sa mataas na antas ng kompetisyon.

Samantala, sinabi ni NCAA official Paul Supan ng Jose Rizal University na mahalaga ang papel ng liga sa paghubog hindi lamang ng atleta kundi ng responsableng mamamayan.

Dadaan ang mga kalahok sa anim na training sessions bago ang exhibition showcase sa Mayo 21.

Ayon kay GAP President Cynthia Carrion, makatutulong ang programa sa paglinang ng disiplina, balanse at flexibility ng mga atleta.

Bagama’t wala pang pormal na kompetisyon, magsisilbi itong test run para sa posibleng pagsama ng aerobic gymnastics sa mga susunod na NCAA season.

Para kay Gregorio, malinaw ang layunin ng programa:

“Nagtatanim tayo ngayon para sa kinabukasan ng Philippine gymnastics.” (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …