NAGPAKITANG-GILAS sina Merry Joy Trupa at Franklin Yee matapos dominahin ang elite sprint category ng National Age Group Duathlon na ginanap sa Villar City, Las Piñas nitong Linggo.
Nasungkit ni Yee, 23, ang kampeonato makaraang tapusin ang 5km run–20km bike–2.5km run sa oras na 56:20, sapat upang maidepensa ang kanyang titulo.
“Masaya ako na naipagtanggol ko ang titulo,” ani Yee.
Pumangalawa si John Patrick Ciron (56:43), habang pumangatlo si Maynard Pecson (58:56).
Sa women’s division, muling nagreyna si Trupa sa oras na 1:06:51, tinalo sina Lady Samantha Jhunace Corpuz at Dhana Victoria Lomboy.
“Masaya ako sa panalo. Tuloy lang ang pag-improve,” pahayag ni Trupa.
Nakatakdang sumabak sina Trupa, Yee at Pecson sa Singapore T100 triathlon sa Abril 25–26.
Samantala, nagwagi si Hermogenes Branzuela sa men’s junior elite, habang nanguna sina Anisha Eunice Caluya, Candace Marie Socito at Scottie Lee Awitan sa women’s category sa torneo na sinuportahan ng Philippine Sports Commission.
Ang National Age Group Duathlon ay bahagi ng grassroots at talent identification program ng Triathlon Philippines na pinamumunuan ni Tom Carrasco Jr. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com