Wednesday , June 24 2026
Beca Tan Ashtine Olviga

Beca Tan, idol at inspirasyon si Ashtine Olviga

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

UNANG project ng newbie actress na si  Beca Tan ang “Hell University” na napapanood ngayon sa Viva One app.

Ayon sa magandang aktres, sobrang saya niya sa unang project na natoka sa kanya.

Masayang sambit ni Beca, “Sobrang happy and thankful po ako sa Viva Artist Agency and also to my manager tito Jojo Veloso.”

Nagkuwento siya ukol sa role sa Hell University. “My role po is Lyka, anak po ng isang teacher sa Hell University na si teacher Aya. Sobrang sweet and close po sila ng nanay niya, so medyo emotional po yung character dahil sa mga mangyayari pa po sa seryeng ito.”

Paano siya napasok sa serye? “Nag-gosee po ako sa Viva, when they told me I got a role po sa Hell University ay ang saya-saya ko po, dahil first ever character ko po ‘yon na ipo-portray.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career

Tugon ni Beca, “Gusto ko pong maging successful yung showbiz career ko, na mabigyan ako ng chance na mag-portray ng maraming characters.”

Wholesome ang image ni Beca at ayaw daw niyang magpa-sexy, ito raw ay choice niya mismo.

Aniya, “It’s my choice po na pumasok sa wholesome field lang po, also tito Jojo supported me po.”

Inusisa rin namin ang kanyang dream role? “Siguro yung role po ni Ms. Ashtine (Olviga) sa movie nila na Bahay-bahayan.

“Drama po ito at sobrang deep po kasi ng role niya roon… very emotional and makikita po talaga kung gano kabigat yung nararamdaman ng character.”

May aktres ba na wish niyang sundan ang yapak?

Mabilis na sagot ni Beca, “None other than Ms. Ashtine Olviga, recently po she got an award and she dedicated her award sa mga taong nangangarap pero mahiyain. She shared na roon siya nag-start, as someone who’s mahiyain din po.

“She really inspires me po, kaya dapat na magtiwala lang sa sarili. Also, her acting skills is top tier, she’s very versatile. I love her personality din po.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …