ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG newcomer na si Princess Flores ay mapapanood sa sexy movie na “Tayuan 2” sa VMX app this coming April 17. Tampok sa pelikula sina Ashley Lopez, Marco Mora, Chester Grecia, at Dara Lima. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Topel Lee.
Ayon sa 22 year old na dalaga, hindi naman daw siya kinabahan sa mga daring at maiinit na eksenang ginawa nila rito.
Sambit ni Princess, “Hindi naman po ako kinabahan, kalmado lang po ako at confident lang para po mas magawa ko nang maayos yung character ko po.”
Aniya pa, “Ang role ko po sa Tayuan 2 ay bilang si Bridgitte. Si Bridgitte po rito ay para siyang explorer na nag-eenjoy lang, gusto lagi ng fun, flirty siya and sexy at seductive. Parang kapag may gusto siya sa isang tao ay makukuha niya.
“Ang movie po namin ay very sensual, intense and daring po… rito talaga lumabas yung pagiging vulnerable ko at nagkaroon ako ng emotional residue after ng shooting, hahaha! Hindi ko po kasi akalain na magagawa ko iyon.”
Aminado rin si Princess na liberated siya sa sex.
Esplika ng sexy actress, “Yes of course, open minded naman po ako kapag sa mga ganyang topic dahil mahalaga rin ang sexual education sa buhay ng tao. Case to case basis naman po siya, naka-depende sa taong kausap mo at sa topic.”
Nabanggit din ni Princess ang kanyang dream role.
“Iyong heavy drama na psychopath, yung may mental illness po ako. Dream ko rin yung sumasayaw ng pole dancing sa bar at sumabak din sa action. Iyong mga hindi ko pa po nasusubukan, mas gusto ko po kasi na china-challenge ko ang aking sarili,” pakli pa ng magandang talent ni Jojo Veloso.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com