Saturday , June 6 2026
KC Concepcion Karmina Constantino KC After Hours

KC napuno na: hindi dapat laging nagtitiis

ni Allan Sancon

UMANI ng atensyon ang mga pahayag ni KC Concepcion matapos ibahagi ang matapang at emosyonal na pananaw ukol sa kalagayan ng Pilipinas, lalo na sa usapin ng kahirapan at gutom. 

Sa halip na puro showbiz, mas pinili ni KC na buksan ang mas seryosong usapin na tumatagos sa puso ng maraming Filipino.

Sa latest episode ng kanyang digital talk show na KC After Hours noong Abril 11, naging sentro ng usapin ang kanyang humanitarian work. 

Dito, diretsahang tinanong ni Karmina Constantino, journalist/anchor kung ano ang tumatatak sa kanya tuwing nakakaharap ang mga batang benepisyaryo ng feeding programs, isang tanong na nagbukas ng mas malalim na emosyon kay KC.

Hindi nagpaligoy-ligoy ang aktres sa kanyang sagot.

Hindi nagrereklamo ang mga Filipino. Bata pa lang, ‘di ‘yan magrereklamo kahit gutom na gutom na. And lalo mo pang gustong tulungan kapag ganoon. Kasi for them, ‘Okay na ‘to.’ Akala nila ‘yon lang. Eh, hindi naman. Puwede namang hindi naman,” aniya.

 Isang realisasyon na tila sampal sa realidad na ang pagtitiis ay hindi dapat kinukunsinti.

Mas lalong uminit ang usapan nang ilahad niya ang pananaw tungkol sa pagiging “resilient” ng mga Filipino. 

Yes, we’re proud to be resilient. But lagi na lang ba kailangan maging resilient? Hindi ba puwedeng masarap tumira sa Pilipinas din? And ‘yon ‘yong dream. ‘Yon ‘yung hope,” madamdamin niyang opinyon.

Isang pahayag na tila kumukuwestiyon sa nakasanayang mindset ng marami at nagpapaisip kung hanggang kailan dapat magtiis ang mga Filipino.

Hindi lang basta salita ang pinanghahawakan ni KC. Bilang Goodwill Ambassador ng World Food Programme ng United Nations, aktibo siyang nakikibahagi sa mga programang tumutulong sa mga komunidad na kulang sa access sa sapat na pagkain. 

Noong Agosto 2025, muli niyang pinagtibay ang kanyang adbokasiya para sa universal access sa pagkain sa mga paaralan, isang kongkretong hakbang para sa kinabukasan ng kabataang Filipino.

Bukod sa kanyang adbokasiya, hindi rin maiiwasang balikan ang kanyang pinagmulan bilang anak ng showbiz icons na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. 

Dahil dito, mas lalong tumitindi ang interes ng publiko sa bawat galaw niya, lalo na ngayon na tila mas pinipili niyang gamitin ang kanyang boses para sa mas makabuluhang layunin.

Marami na ang nag-aabang sa muling pagbabalik ni KC sa showbiz. Ang tanong ng marami, balik-pelikula ba at teleserye si KC or magpo-focus ito sa kanyang singing career o sa hosting?

Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …