I-FLEX
ni Jun Nardo
TANGGAP na ni Heart Evangelista na hindi na siya magkakaanak! ‘Yan ang mga inurirat ng followers niya sa kanyang Instagrama Live kamakailan.
Open book na ang nangyari kay Heart na ilang beses nang nalaglagan ng anak. Kaya naman sa isang pahayag, sinabi niyang ang trabaho niya ang itinuturing na anak.
Eh ‘yung nursery sa bahay na ipinagawa niya, mga gamit na niya ang nakalagay.
Basta si Heart, patuloy sa pagiging global fashion icon at sa coming episodes ng show niyang Heart World this Saturday, makikita siya sa isang exclusive jewelry event sa Mallorca, Spain at didiretso siya sa Dubai para tanggapin ang Global Fashion Influencer of the Year 2025 award sa The EMIGALA Awards.
Of course, tuloy pa rin ang pagtulong ni Heart at naging ninang siya ni Ate Gay na monthly nakatatanggap ng tulong mula sa global fashion icon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com