Thursday , June 4 2026
Zel Fernandez Abot langit

Zel Fernandez, chill lang kahit bansagang sexy actress

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG sexy actress na si Zel Fernandez ay walang dudang madalas pagpantasyahan ng maraming kalalakihan, lalo na ang mga suki ng VMX app.

Aminado siyang bahagi ng kanyang pagiging sexy actress ang magpakatakam sa mga barako.

Gaano kahirap magpasexy sa movies? If, may tatawag sa kanyang hubadera o sexy actress, ano ang magiging reaction niya?

Esplika niya, “Sakto lang po, trabaho lang naman po ito sa akin. As long as naka-plaster, game lang po, hahaha!

“Isa pa, hindi naman ako tumataba talaga kahit anong kain ko, kahit ‘di po ako mag-gym ganito na po talaga ako kapayat, fixed na ito, hahaha! So, sexy naman po tayo palagi, e.”

Wika pa ni Zel, “About naman po sa pagiging hubadera o sexy actress, compliment po iyon for me, if ever. Kasi iyon naman po talaga mostly ang mga role na ginagampanan ko sa mga movie ko, iyon naman po talaga ang nakikita sa akin. So, chill lang po, hehehe.”

Mabibistahan ang makatulo-laway na hotness ni Zel sa pelikula ni Direk Topel Lee titled “Abot Langit”, available na ngayon sa VMX app.

Bukod kay Zel, tampok din dito si Aliya Raymundo, JC Tan, Jio Yoshida, at iba pa.

Ano ang role niya sa movie na Abot Langit?

“Sa movie, ako po si Pia kasama nila Vanne (Aliya) na flight attendant trainee. May love scene po kami ni Patrick dito, BF ni Vanne si Patrick…

“Based po sa mga nare-receive kong messages and comments, the best daw ‘yung scene ko here kasi ginaganahan daw po sila sa bembang, hahaha!”

Ito rin daw ang hottest at most daring movie niya. “As of now, yes po, hahaha!” Nakatawang pakli ni Zel.

Nabanggit din sa amin ni Zel ang aabangang events niya – ang Bumper 2 Bumper Carshow X Off-Road Show sa Cebu sa May 2-3 sa IL Corso Filinvest Malls, at sa Bacolod sa The Upper East Megaworld Bacolod, sa May 9-10.

“Mayroon po akong events sa Cebu and Bacolod, I used to be a carshow model po since 2017, up to now.”

So, bago napasok sa showbiz, pagiging model muna ang pinagkaabalahan niya?

“Yes po before po ako naging actress and flight attendant, I’m a freelance event model po and nag-start po ako sa mga carshow, suzuki mall display event, and endorser also,” nakangiting sambit pa niya.

Since naging flight attendant pala siya, sakto ito sa movie nilang Abot Langit.

Pahayag ni Zel, “Yes po, kaya basic lang po sa akin ang role ko rito bilang flight attendant trainee sa movie, hehehe.

“Kidding aside, iyon po talaga ang dream job ko simula bata ako at hindi po nagbago.”

Sinabi rin niya kung bakit siya tumigil bilang flight attendant, kahit na dream job niya ito talaga.

“Honestly, mas priority ko po kasi now ang paggawa ng movies and mas malaki pa rin po ang kita sa pagiging freelance model and actress kaysa airline. But, babalik po ako as FA very soon,” wika pa ng maganda at napaka-seksing talent ni Jojo Veloso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …