SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
IBANG klase talaga ang mga Marites. Wala mang direktang pahayag pa sina Bea Alonzo at Vincent Co ukol sa araw ng kanilang kasal, marami na ang nagsasabing sa May 16, 2026 ito magaganap sa Spain.
Pagkatapos ngang kumalat kamakailan ang marriage banns announcement ng dalawa, ang date naman ng kasal ang pinagkakaguluhan.
Ito’y matapos kumalat ang post ng kaibigan ng Kapuso actress na si Dimples Romana sa social media.
Kumalat ang picture ni Dimples kasama ang asawa niyang si Boyet Ahmee nitong nagdaang Easter Sunday. Kasama sa naturang picture sina Bea at Vincent gayundin ang sinasabing dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa, ang kaibigan nilang si Beatriz Saw.
Ang caption ng kanilang picture, “Finding GOD in the ORDINARY.
“And now as for my household, we fill the walls of our home with praise and worship, love and understanding and grace, lots and lots of grace Happy Easter everyone.”
Nakakuha ng pansin sa comments section ng IG post ni Dimples ang reaksiyon ng isang netizen na sinabi ang ukol sa nalalapit na kasal nina Bea at Vincent.
Anang netizen, “@dimplesromana namimigay na Mg wedding invitation C @beaalonzo this May 16 na wedding in Spain with private plane wow!”
Hindi naman ito sinagot ni Dimples.
Bago ito’y nabalitang magpapakasal sina Bea at Vincent sa Spain sa May, 2026.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com