SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
WALANG atrasan. Ito ang tiniyak ni Yasmien Kurdi nang magtungo sa dating eskuwelahan ng kanyang anak na si Ayesha noong Martespara papanagutin ang nam-bully sa kayang anak.
Kasama ni Yasmien na nagtungo sa paaralan ang asawa niyang si Rey Sodevilla upang mabigyang hustisya ang nangyari sa kanyang panganay na anak.
Inireklamo noon nina Yasmien at Rey sa Department of Education (DepEd) ang dating eskwelahan dahil sa umano’y pambu-bully sa kanyang anak at bilang pagbibigay na rin ng hustisya at proteksiyon ng lahat ng mga kabataan.
Ani Yasmien, hindi nabigyan ng proteksiyon ng nasabing school si Ayesha na dumanas ng pambu-bully mula sa mga kaklase.
Giit ng aktres, ang anak niya mismo ang may kagustuhang magsampa sila ng reklamo sa DepEd.
Sa picture na ipi-nost si Yasmien sa kanyang Instagram page kasama ang asawa at ilang abogado pinasalamatan nito ang DepEd.
“We are deeply grateful to Atty. Ade, Atty. Paeng, Atty. Rej, and Atty. Jojo for their unwavering support and guidance to our family. And to all my professors in law school, thank you for your advice and guidance.
“We would also like to extend our sincere thanks to DepEd Secretary @sonnyangara, Mrs. Tootsie Angara, and Ms. Fatima for their support and concern.
Sinabi pa ni Yasmien na noong isang taon, 2025, sila nag-file ng reklamo sa DepEd. At bilang mga magulang ni Ayesha lagi nila itong poproteksiyonan at aalalayan.
“Last year, upon @ayeshazarasoldevilla’s request, we formally filed our complaint with @depedphilippines with complete and factual evidence. As her parents, we will always stand by her and protect her.
“This is not just about one child, it is about accountability! Under the Anti-Bullying Act (R.A. 10627), schools are required to act, and when they fail, DepEd has the authority to investigate and impose sanctions.”
Nanawagan din si Yasmien sa mga magulang at kabataan na huwag matakot lumantad at magsalita laban sa pambu-bully.
“Parents and kids, SPEAK UP! if schools do not act, you have the right to elevate your concerns,” giit pa ng aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com