Monday , June 22 2026
Bea Alonzo Vincent Co Dimples Romana Boyet Ahmee Beatriz Saw

Bea-Vincent nakipag-bonding sa mga kaibigang Dimples at Beatriz

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IBANG klase talaga ang mga Marites. Wala mang direktang pahayag pa sina Bea Alonzo at Vincent Co ukol sa araw ng kanilang kasal, marami na ang nagsasabing sa May 16, 2026 ito magaganap sa Spain.

Pagkatapos ngang kumalat kamakailan ang marriage banns announcement ng dalawa, ang date naman ng kasal ang pinagkakaguluhan.

Ito’y matapos kumalat ang post ng kaibigan ng Kapuso actress na si Dimples Romana sa social media.

Kumalat ang picture ni Dimples kasama ang asawa niyang si Boyet Ahmee nitong nagdaang Easter Sunday. Kasama sa naturang picture sina Bea at Vincent gayundin ang sinasabing dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa, ang kaibigan nilang si Beatriz Saw.

Ang caption ng kanilang picture, “Finding GOD in the ORDINARY.

And now as for my household, we fill the walls of our home with praise and worship, love and understanding and grace, lots and lots of grace Happy Easter everyone.”

Nakakuha ng pansin sa comments section ng IG post ni Dimples ang reaksiyon ng isang netizen na sinabi ang ukol sa nalalapit na kasal nina Bea at Vincent.

Anang netizen, “@dimplesromana namimigay na Mg wedding invitation C @beaalonzo this May 16 na wedding in Spain with private plane wow!” 

Hindi naman ito sinagot ni Dimples.

Bago ito’y nabalitang magpapakasal sina Bea at Vincent sa Spain sa May, 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …

Film Academy of the Philippines Pinoy Oscars Pursuit

Film Academy of the Philippines binuksan Oscars Grants Program para sa mga Filipino Filmmaker

BINUKSAN ngayon ng Film Academy of the Philippines ang mga pagsusumite para sa grants program, ang Pinoy Oscars …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal Bongga Ka Day The Musical

Atasha pinaghandaan audition sa Bongga Ka, Day The Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DUMAAN sa matinding auditions at call backs si Atasha Muhlach bago napili bilang  Annie Batungbacal sa Viva …

Vince Rillon The Cheating Wife

Vince Rillon ‘di maiwan ang VMX 

I-FLEXni Jun Nardo NAGLILIWALIW muna ang VMX artist na si Vince Rillon at ang VMX movie na The Cheating Wife ang …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …