Thursday , June 4 2026
Gun Fire

Sa Catbalogan, Samar  
Holdapan sa bus terminal nauwi sa barilan 1 patay, 1 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang isang suspek, habang sugatan ang isa pa nang mauwi sa barilan ang insidente ng holdapan sa isang transport terminal sa lungsod ng Catbalogan, lalawigan ng Samar, nitong Sabado, 28 Marso.

Sa ulat mula sa PRO8 PNP, naganap ang insidente dakong 7:35 ng gabi sa Grandtours Terminal, Brgy. 3, ilang metro ang layo sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na lungsod.

Agad nagresponde ang mga pulis na kasalukuyan noong naghahanda para sa isang checkpoint nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nilooban ng tatlong armadong lalaki ang silid ng kahera ng terminal, nagdeklara ng holdap, at inutusan ang mga empleyadong ibigay sa kanila ang cash at mga cellphone bago tumakas.

Kinilala ang mga biktimang sina alyas Jan, 39 anyos; at alyas Mik, 34 anyos, may-ari ng Grandtours Corporation.

Ayon sa mga awtoridad, na-monitor nila sa kanilang mga CCTV camera ang insidente saka sinundan ang mga suspek dala ang kanilang mga baril kaya nauwi sa barilan.

Tinamaan ang dalawa sa mga suspek at parehong dinala sa Samar Provincial Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ang isa sa kanila na kinilalang si alyas Jer.

Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang .45-caliber pistol na may lamang anim na round ng bala; P15,480 cash; at isang cellphone.

Nanatili sa ospital ang sugatang suspek na kinilalang si alyas Rob na nakompiskahan ng pulisya ng patalim at damit na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Samantala, patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang nakalalayang pangatlong suspek na kinilalang si alyas Ado at pinaniniwalaang armado pa rin ng baril.

Dumating ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan upang iproseso ang insidente ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang halaga ng ninakaw ng mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …