MARIING pinabubulaanan ng Malabon City local government unit (LGU) ang kumakalat na larawan sa isang tarpaulin ni Mayor Jeannie Sandoval na kahalintulad ng Mahal na Birheng Maria.
Ngunit itinanggi ito ng Malabon city hall at sinabing AI-generated at manipulado ang nilalaman dahil hindi nagmula at hindi ito inaprobahan ng city hall.
Paliwanag ng city hall, mahigpit na sinusunod ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga alituntunin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa paglalagay ng larawan ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga tarpaulin.
Malinaw anila ang kumakalat na imahen ay hindi lehitimo at walang kaugnayan sa alinmang opisyal na programa o komunikasyon ng lungsod.
Ang ganito anilang paggamit ng banal na imahen ay isang kalapastanganan at bilang isang debotong Katoliko, hindi kailanman gagawin ni Mayor Jeannie Sandoval ang kahit anong panggagaya lalo ang larawan ng Virgin Mary.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang publiko na maging mapanuri at huwag basta magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon at sumunod sa mga opisyal at mapagkakatiwalaang pahayag. (VICK AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com