Thursday , June 4 2026
Gas and run driver

‘Gas-and-run’ driver tukoy na pero…

INIHAYAG kahapon ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Randy Glenn Silvio na may lead na ang pulisya sa ‘gas-and-run’ driver sa isang gasoline station sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City noong 22 Marso.

Ayon kay Silvio, sa pamamagitan ng forward at backward CCTV tracking, kinilala ang suspek na may taas na 5’2” hanggang 5’5”, nakasuot ng itim na sando, itim na pantalon, at tsinelas nang mangyari ang insidente.

Nakuha rin sa footage ang plate number ng sasakyan nang dalawang beses na huminto ang driver/suspect, na tila minamanipula ang plaka ng sasakyan at saglit na bumaba para manigarilyo.

Maya-maya ay nakitang lumiko ang sasakyan sa Crispulo St., Brgy. 178, Caloocan.

Agad na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na nagresulta sa mas malinaw na larawan ng plate number ng Toyota Innova at pagkakakilanlan ng rehistradong may-ari.

Sa follow-up operation, natunton ang rehistradong may-ari ng sasakyan pero sinabi nitong naipagbili na ito nang walang pormal na dokumentasyon.

Tinutugis ngayon ng QCPD ang sinabing driver ng Toyota Innova na umano’y posibleng may dala ng nasabing sasakyan. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …