Thursday , June 4 2026
yosi Shabu

Sa Oplan Sita sa Nueva Ecija at Bataan
4 timbog sa pekeng yosi at droga

ARESTADO ang apat na indibiduwal sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad na isinagawa sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Bataan nitong Sabado, 28 Marso.

Sa Nueva Ecija, dinakip ang tatlong indibiduwal ng mga tauhan ng Cuyapo MPS sa inilatag na Oplan Sita dakong 12:05 ng madaling araw sa bahagi ng Cuyapo-Talugtug Road, sa Brgy. Columbutin, Cuyapo.

Habang nag-iinspeksiyon ang mga operatiba ay napansin nila ang mga nakatalangkas na kahon ng sigarilyo sa loob ng pinara nilang sasakyan.

Nang kanila itong beripikahin, nabigo ang driver na magpakita ng mga legal na dokumento para sa pagbibiyahe ng mga items, na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek.

Nakompiska ng mga awtoridad ang 30 master cases ng Modern light cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P690,000.

Nahaharap ang mga nadakip na suspek sa mga kasong RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) at RA 9211 (Anti-Tobacco Regulation Act of 2003).

Samantala sa Bataan, nasakote ang isang nakatalang high value individual (HVI) sa ikinasang buybust operation ng mga awtoridad dakong 9:45 ng gabi kamakalawa sa Brgy. Dona, Orani.

Magkasanib na mga operatiba ng Orani MPS Drug Enforcement Unit, Bataan Provincial Police Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, at PDEA Bataan ang nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng sachet ng hinihinalang shabu sa poseur buyer.

Nakuha sa suspek ang may 54 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P367, 200, at ang marked money at drug paraphernalia.

Kaugnay ng magkasunod na matagumpay na operasyon ay pinuri ni PRO3 Regional Director P/BGen. Jess Mendez ang operating units at tiniyak na ang PRO3 ay patuloy sa pinaigting na kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Central Luzon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …